Sunday, July 12, 2009
Bakit kaya lagi silang ganun sa akin. Konting salita ko lang, konting pagkakamali lang. Akala mo nakapatay ako ng tao. Ewan ko ba. Dapat siguro masanay na ako. Masanay na masaktan. Pinipilit kong gawin manhid un sarili ko sa lahat ng naririnig ko na masasakit na salita pero wala eh, kahit anong gawin ko nasasaktan padin ako. Umiiyak padin ako. Ayoko na ng ganitong buhay e. Mayaman nga kami. Madaming daming pera. Nabibili ko lahat ng gusto ko pero ano ang kapalit? Ito? Oo, alam ko naman na hindi ako mala-anghel na anak e. Madami ako nagawang kasalanan sa mga magulang ako pero puta naman, kulang pa ba un buong buhay ko un pagsisisihan? Lahat na lang ng ginawa ko mali. Wala na akong ginawang tama. Ulitimo paglaglag ko ng pagkain galing sa bibig ko, malaking bagay sa kanila. Hindi naman ako perpektong tao no. At hindi din naman sila perpektong tao. Ayoko magalit e. Kasi mahal ko sila. Pero bakit ganun? Hindi ko naman maramadaman na mahal din nila ako. Hindi ko na nga maramadaman na may pakielam pa sila sa akin e. Alam mo, sa totoo lang. Pinipilit ko naman sila intindihin e. Alam ko naman na madami silang problema ngayon e. Pero bakit naman ganun. Hindi ko mainitindihan. Kanina, wala naman akong masamang sinabi kay mama e. Tinanong ko lang naman kung bakit sila lagi bumabalik ng Las Pinas. Sabi nia madami pa daw sila gamit dun. Sabi ko parang wala naman sila inuuwi. YUN LANG SINABI KO. Pero binastos ko daw siya. Wala daw ako respeto sa kanya. Gago daw ako. Umuwi na daw ako sa condo ko kasi wala naman daw ako pakinabang dito. Alam mo, lagi na lang nila ako pinapaalis dito e. Parang napilitan lang sila na isama pa ako dito. Sabagay, ramdam na ramdam ko naman na PABIGAT ako dito eh. Hahanap lang ako ng magandang tiyempo, aalis na din ako dito. Gusto ko lang naman kasi makasama ung aso ko e. Kaya gusto ko nandito ako. Pero kung sila lang din, wag na. Hindi naman nila ako kailangan dito e. Gusto ko na mamatay. Kahit anong gawin ko, wala ako mapatunayan sa kanila. Puro pagkakamali ko na lang nakikita nila. Wala na to. Wala na pag asa.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment